Perfect Time

Perfect Time

May mga bagay akong gustong mangyari at maintindihan pero hanggang ngayon, lito pa din ako. Madami akong nararamdaman na ngayon ko lang naramdaman at gusto kong may gawin para mawala o maayos yun pero sa ngayon, hindi ko kaya. Hindi ko kasi maintindihan minsan kung ano ba dapat ang gawin. May mga plano ako pero alam kong hindi ko pa makukuha lahat yun dahil hindi pa nito oras. Alam ko sa sarili ko na mahaba talaga pasensya ko pero minsan naiinip ako sa pagiintay kung kailan kaya mangyayari lahat nang iniisip ko. Mahirap kasi puro first time ‘to. First time sa mga nararamdaman ko. Kailangan ko pa i-assess sarili ko ng maigi para malaman kung mahalaga bang pinag-iisipan pa ito o sadyang lukring lang ako.
I tend to overthink.
Hindi dahil sa babae ako pero eto ang mahirap sa mahilig mag-isip at malawak ang imagination. Madami kang naiisip. Ultimo mga hindi mo naman kailangang maisip, maiisip mo na lang. At malala pa niyan, mauubos talaga oras mo sa pagiisip ng maigi kahit sa mga walang ka-kwenta kwentang bagay. Samahan mo pa ng mga nararamadaman ko, ay bongga talaga! Madaming ‘what if’s, sangkatutak na tanong at kung anu-ano pang kemerut barurut. Ewan ko ba. Feeling ko talaga ang labo ko minsan.
I believe that there is a perfect time for everything.

Hindi magaganap ang isang pangyayari hanggang hindi pa niya oras. Parang sa pagsayaw at sa pagkanta, lahat may timing. Lahat may timing para maganda ang kalabasan. Ganun din sa buhay. Oo, ikaw ang bahala sa Destiny mo. Nasa palad mo ang lahat ng mga mangyayari sayo sa kinabukasan pero minsan, hindi lahat ng nasa plano mo, nakukuha mo agad kasi nga may oras para dun. Wag ka malito. Magkaiba ang paggawa ng Destiny sa pagiintay kung kailan ito matutupad. Huwag engot.
In God’s Time…
Depende minsan kay Bro yan eh. Naniniwala ako na lahat ng gusto natin para sa buhay natin ay matutupad (basta sa ikabubuti natin). Lahat yan approve naman kay Bro eh kaso may oras din siyang nakalaan sa atin. Para ka kasing nagsusulat ng libro. Mabuti sana kung iisa lang ang ending na iniisip mo eh, tapos iba’t ibang paraan para humantong sa ending mo. Ang mahirap eh yung madami ka na ngang gustong mangyari, iba iba pa ang posibilidad ng ending mo. Para kang nag mix-and-match lang ng mga pangyayari. Tuloy, mahihirapan kang makuntento sa magiging ending mo at patuloy kang humahanap ng posibilidad sa iba pang gusto mong mangyari.
Sa ngayon, nakikita ko lahat. Naniniwala ako sa mga nakikita ko pero hindi ko pa kayang paniwalaan lahat ng nararamdaman ko. Believing and Trusting are two different things. Hanggang ngayon may kinakatakutan pa din ako at sobrang bago yan para sa akin. I used to be fearless. Pero syempre may oras talagang magbabago ang lahat sayo o kung hindi man lahat, meron at merong magbabago sayo. Tanggap ko naman yun. Madami lang talaga akong nararamdaman na parang kulang, parang madami pa akong dapat malaman o matutunan. Madami akong gusto mangyari at madami din akong gustong mawala. Pero kailangan ko rin tanggapin na hindi ko maaaring madaliin ang lahat. Again, it takes time.
However, I am sure with one thing…
I might have endless possibilities how to get to the end but I only have one ending in mind.
I am just waiting for the perfect time for everything. Despite all the random brain farts, thinking about how focused I am on my goal makes me confident each day. May mga pageechos lang talaga akong nararamdaman na dapat kong ilabas gaya nito.

Leave a Comment