In a modern day classroom Setting…
Teacher: Sino ang nakakakilala kay Rizal?
(walang sumagot)
Teacher: Uulitin ko, sino ang nakakakilala kay Rizal?
Pedro: Naku Ma’am, wala pong Rizal dito. Baka po nasa kabilang klase!
Teacher: Nyek!
Sa nabasa ninyo sa itaas, natawa ba kayo o nalungkot?
Oo hindi lamang si Rizal ang natatanging bayani na tumulong sa Pilipinas ngunit siya ang binansagang Pambansang Bayani. Paano? Dahil sa alab ng kanyang pagiging Nasyonalismo at sa kawalan ng paggamit ng dahas sa kanyang mga ginawa. Dahil sa kanyang mga sulatin, namulat ang mga Pilipino sa mga nangyayari at lumukso ang kanilang mga dugong makabayan. Ilang beses siyang nahuli at nakulong sa sinasabing pagbuo ng mga lihim na samahan laban sa mga Kastila ngunit hindi siya tumitigil sa mga panulat niya at lalong nagbigay buhay sa mga Pilipino ang Mi Ultimo Adios. Hanggang sa kanyang kamatayan, pinatunayan niya na hindi siya taksil sa kanyang Inang Bayan dahil kahit hinangad ng mga Kastila na barilin siya nang nakatalikod ay pilit siyang humarap sa oras ng pagputok ng mga baril. Dahil sakanyang mga likha, tumunog ang pangalang Andres Bonifacio na nagpasiklab ng Katipunang dahas-sa-dahas laban sa mga Kastila at sumunod pang nakilala ang iba pang mga Bayani ng bansa. Sa maikling salita, si Rizal ang isa sa mga may pinakamalaking kontribusyon sa Pilipinas upang makamit niya ang kanyang hinahangaad na kalayaan.
Bilang mga Pilipino, dapat tayo pa mismo ang maunang magpalaganap ng kagitingan ni ng ating Pambansang Bayani. Hindi ito para bumuo ng isang rebelyon o kahit na anong laban sa gobyerno o simbahan. Sa halip ay upang mapagtibay ang nagbabagang nasyonalismo sa puso nating lahat bilang tanda ng ating pagka-Pilipino. Gaya nga ng sikat na kasabihan ni Rizal, “Ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda”. Nagpapatuloy ang kanyang mga turo na mahalin ang sarili nating mga produkto, dialekto at yakapin ang ating kultura. Binanggit din niya ang mga salitang “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan”. Bawat isa sa ating mga Pilipino ay dapat na marunong tumanaw ng utang na loob at hindi lumimot kung saan tao nanggaling – pinanggalingang bansa, kultura at lahi – kahit saan man sulok ka ng mundo makarating.
Ikaw? Kilala mo ba kung sinong Bayani ang nasa likod ng Piso? Eh ang kanyang istorya?
Ikaw ngayon sumagot… Tama ba na pag-aralan natin si Rizal?
Leave a Comment