Tama ba na pag-aralan natin si Rizal?

In a modern day classroom Setting…
Teacher: Sino ang nakakakilala kay Rizal?
(walang sumagot)
Teacher: Uulitin ko, sino ang nakakakilala kay Rizal?
Pedro: Naku Ma’am, wala pong Rizal dito. Baka po nasa kabilang klase!
Teacher: Nyek!

Sa nabasa ninyo sa itaas, natawa ba kayo o nalungkot?

Pang-pitong anak sa labing isa nila Francisco Engracio Rizal Mercado at Teodora Alonzo Realonda de Quintos, si Pepe ay maagang namulat sa mga bagay bagay na nakapalibot sakanya. Para siyang isang gamu-gamong nahumali sa init ng apoy na dulot ng mga Kastila nung mismong siya ay nasaksihan ang paggarrote sa tatlong paring martir na sina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora o mas kilala sa pangalang GomBurZa. Kahit napagsabihan na siya ng kaniyang ina na huwag lumapit sa apoy at baka siya’y masunog, sinunod niya pa din ang tibok ng kaniyang puso na tumulong sa mga kapwa Pilipino laban sa mga Kastila. Sa murang edad na walo ay isinulat niya ang kaniyang unang unang tula na “Sa Aking Mga Kababata”. Nag-aral siya ng sa Ateneo Municipal de Manila para sa kolehiyo at pinagpatuloy ang medisina sa Unibersidad de Santo Tomas. Nag-aral din siya sa Madrid na naging daan niya para mas maging bihasa sa medisina. Isa siyang henyo sa lahat ng bagay tulad sa medisina, pagdrawing, pagpinta at pag-ukit. Higit sa lahat, napakahusay niya sumulat ng mga tula at nobela na talagang tinangkilik ng lahat.
Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alfonso Realonda, isang pangalan na sadyang nakatatak sa isipan ng bawat Pilipino saan mang panig ng mundo. Bakit? Dahil siya ang pambansang bayani na nagpalaya sa atin mula sa pananakop ng mga Kastila. Hindi man siya lumaban gamit ang itak, lumaban naman siya gamit ang kanyang pluma. Sa tulong ng kaniyang malikhaing isip, nabuo niya ang mga karakter nina Crisostomo Ibarra at Simeon. Dahil sa kanyang malikot na imahinasyon ay nabuhay ang mga pangalang Padre Damaso, Padre Sibyla, Padre Camorra, Donya Victorina, Isagani, Sisa, Basilio, Kapitan Tiyago, Pia Alba, Don Tiburcio, Crispin, Elias at ang pinakakamahal na binibining si Maria Clara. Ang mga karakter na ito ay nabuhay sa loob ng kanyang dalawang pinakasikat na nobela ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na lingid sa kaalaman ng mga Kastila ay totoong kwento na pala ito ng kanilang pamamalakad sa simbahan at gobyerno. Nakapaloob din dito ang mga pagmamaltratong ginagawa ng bawat Kastila sa mga Pilipino na kung tawagin ay Indio.

Oo hindi lamang si Rizal ang natatanging bayani na tumulong sa Pilipinas ngunit siya ang binansagang Pambansang Bayani. Paano? Dahil sa alab ng kanyang pagiging Nasyonalismo at sa kawalan ng paggamit ng dahas sa kanyang mga ginawa. Dahil sa kanyang mga sulatin, namulat ang mga Pilipino sa mga nangyayari at lumukso ang kanilang mga dugong makabayan. Ilang beses siyang nahuli at nakulong sa sinasabing pagbuo ng mga lihim na samahan laban sa mga Kastila ngunit hindi siya tumitigil sa mga panulat niya at lalong nagbigay buhay sa mga Pilipino ang Mi Ultimo Adios. Hanggang sa kanyang kamatayan, pinatunayan niya na hindi siya taksil sa kanyang Inang Bayan dahil kahit hinangad ng mga Kastila na barilin siya nang nakatalikod ay pilit siyang humarap sa oras ng pagputok ng mga baril. Dahil sakanyang mga likha, tumunog ang pangalang Andres Bonifacio na nagpasiklab ng Katipunang dahas-sa-dahas laban sa mga Kastila at sumunod pang nakilala ang iba pang mga Bayani ng bansa. Sa maikling salita, si Rizal ang isa sa mga may pinakamalaking kontribusyon sa Pilipinas upang makamit niya ang kanyang hinahangaad na kalayaan.

Bilang mga Pilipino, dapat tayo pa mismo ang maunang magpalaganap ng kagitingan ni ng ating Pambansang Bayani. Hindi ito para bumuo ng isang rebelyon o kahit na anong laban sa gobyerno o simbahan. Sa halip ay upang mapagtibay ang nagbabagang nasyonalismo sa puso nating lahat bilang tanda ng ating pagka-Pilipino. Gaya nga ng sikat na kasabihan ni Rizal, “Ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda”. Nagpapatuloy ang kanyang mga turo na mahalin ang sarili nating mga produkto, dialekto at yakapin ang ating kultura. Binanggit din niya ang mga salitang “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan”. Bawat isa sa ating mga Pilipino ay dapat na marunong tumanaw ng utang na loob at hindi lumimot kung saan tao nanggaling – pinanggalingang bansa, kultura at lahi – kahit saan man sulok ka ng mundo makarating.

Ikaw? Kilala mo ba kung sinong Bayani ang nasa likod ng Piso? Eh ang kanyang istorya?

Ikaw ngayon sumagot… Tama ba na pag-aralan natin si Rizal?

Leave a Comment