Iba’t-ibang Paraan nang Pagre-Resign

Uunahan na kita. Lumang post ko na ito. Gusto ko lang ibahagi ulit kasi wala lang. Masaya eh. Haha! Balak mo ba magresign sa trabaho mo ngayon? Actually, wala akong pake. Pero gusto ko lang i-share itong mga iba’t-ibang paraan kung paano ka magreresign.
 
Disclaimer: Lahat nang mababasa mo dito ay pawang bunga ng malilikot na utak. Hindi rin lahat dito ay galing sakin. Kung may mababasa ka na kapareha ng sitwasyon mo ngayon, edi congrats. Sikat ka na!Ang pagreresign ay dapat isang madaling gawain lamang. Hindi ka dapat pinahihirapan ng kumpanya sa pag-alis. Oo, pipigilan ka. Natural yun. Pero ang hindi ka payagan na para kang nagpapaalam na lalabas ka ng bahay, aba, di na ata tama yun. Dahil syempre na may sureball ka nang lilipatan o may mas importante ka ng focus sa buhay mo (kung wala, ‘wag kang tanga at ‘wag magresign), dapat buo na ang loob mo sa pagreresign mo.
Paano muna magresign?
 
Gumawa ng resignation letter. Maikli lang kailangan. Straight to the point bakit mo gusto umalis. Hindi yan ‘Maalala Ala Mo Kaya’ na ikkwento mo pa yung simula nang pumasok ka sakanila at mga naranasan mo. Wala silang oras pagnilayan yung mga isusulat mo habang iniisip nila sino ang sasalo ng trabahong iiwanan mo. Isulat mo lang yung dahilan mo bakit kailangan mo na talaga umalis. Ilagay mo din kung kailan mo ba balak maging effective yung pag-alis mo. Usually 30 days yan pero kung makapal ka, try mo 15 days lang at malay mo payagan ka (PS. Nagawa ko na yung 15 days at pinayagan ako. Try mo!). Be sure din na you are wishing the company well as they find a quick replacement for you at iaabot mo lahat ng tulong na kaya mong ibigay para sa turnover. Tandaan mo, ikaw ang aalis. ‘Wag kang bitter.
 
Ipasa ang resignation letter sa tamang oras. Oo, dapat right timing ka. Madaming iniisip ang kumpanya mo at isipin mong makakadagdag ka dun. Dapat chumempo ka na good mood si boss para naman hindi siya mashoshock sa malalaman niya. At dahil pinasa mo na yung madamdamin mong liham, edi magready ka na sa isang pag-uusap ninyo ni boss. Sure akong kakausapin ka niyan kasi kahit paano, mahalaga ka sa kumpanya. Kung hindi ka kinausap at pinabayaan ka lang, edi sorry. Wala ka palang kwenta jan eh. I highly recommend na huwag ka na pumasok kasi wala naman palang bearing if pumasok ka pa o hindi. Tanggapin muna ng maluwag at pag-uwi mo pwede ka na maging bitter.
 
Maging matapat sa pag-uusap ninyo ni boss. Sa pag-uusap na magaganap, tatanungin ka kung may problema ka ba ngayon sa kumpanya gaya sa sahod, mga kasamahan o sa pamamalakad. Alam ko madami pang ibang itatanong sa iyo si boss para maunawaan niya yung dahilan mo at kailangan mo pa umabot sa pagreresign. Huwag ka matakot hingin yung kailangan mo. Kung sahod, edi sahod. Sabihin mo bakit mo kailangan na kailangan. Sa dami nang paguusapan ninyo, may huli pa siyang itatanong sayo. “Sure ka na ba?” Sumagot ka ng matapat. Oo o hindi lang yan. Swerte ka kung maluwag nilang tatanggapin yung pagreresign mo at tunay na naiintindihan ka nila. Kapag hayahay na ang buhay mo dahil para kang nabunutan ng tinik sa puso, edi congrats! Magclearance ka na at pahirapan na naman yan sa pagpirma. Atleast, makakaalis ka na.
 
Pero paano kung hindi? Paano kung hindi ka payagan umalis kahit nagsabi ka na ng totoo? Eto ang mga paraan kung paano mo pa maiimprove ‘yang convincing powers mo sa resignation mo:
 
Sabihing hindi ito ang calling mo sa buhay. Sabihin mo na may iba ka palang hinahangad na karera sa buhay at nasinagan ka ng liwanag na hindi pala tama ang tinatahak mong landas. Habang kinukumbinsi mo si boss sa enlightenment mo, lumuha sa kaliwang mata. Mas onting luha, mas may award.
 
Pumasok sa kwarto ng boss na may blade na nakatutok sa pulso mo. Habang nakatutok sa pulso mo yung makalawang na blade, sabihin mo ang mga katagang ito, “Ano na ho ba? Hindi niyo pa din ho ba ako papayagan umalis?” Mas makalawang yung blade, mas convincing.
 
Pumasok sa kwarto ng boss na may hawak na cutter. Habang hawak mo yung cutter, ipakitang itinataas-baba yung blade habang sinasabi ang mga katagang ito, “Papahirapan pa ho ba natin ang mga sarili natin?” habang pinupunasa mo ang tumutulo mong laway. Mas kadiri, mas effective.
 
Sabihing balak mo na mag-artista. Ipagtapat mo na may talent ka talaga at gusto mo na itong ipakita sa mundo. Mangako na bibigyan mo ito ng Song Album o Dance Album mo sa unang labas nito. Mangako ka din ng free tickets sa mga shows mo. Kung hindi pa din convinced, mag-sampol ka sa harap niya hangang ma-umay siya. Hangga’t hindi siya umay, ‘wag titigil.
 
Sabihing lahat na ay posible sa panahon ngayon. Kailangan nilang tanggapin na may iba pang kumpanya na kayang ibigay yung mga hinahanap mo sa buhay gaya ng growth, better compensation, better benefits at pimples. Wag silang greedy kamo.
 
Kulitin si boss. Magprint ng 50 copies ng resignation letter at ilagay sa lamesa niya kada oras. Ipaskil mo din sa pintuan niya at sa bintana. Kung hindi ka pa kuntento, magsilid sa bag niya ng tatlong kopya pa. Gawing flyers ang resignation letter.
 
Call your friends. Gumawa ng signature campaign na may titolong “Palayain ang aliping si (insert your name here)!” Dapat malinaw ang pangalan ng mga pasusulatin mo kasi baka dahil jan sa kalokohan mong iyan ay magsama-sama pa kayo na alisin. The more, the merrier.
 
Ibalik ang pag-iisip sa boss mo. Kapag sinabihan ka ng, “Pag-isipan mo muna” sumagot ka ng, “Pag-isipan mo rin” na may kakaibang tono ng boses. Mas may wave, mas scary. Napag-isipan mo na nga eh kaya ka nga aalis eh tapos pag-iisipin ka ulit? Ayos.
 
Kung wala pa ding epekto ang mga ito, sabihin mo na ang ultimate reason convincing power mo.  “Ang Santo Papa nga nung nagresign, pinayagan ng Diyos eh. Tapos ikaw ayaw mo ako payagan?! #AbaMatindi” tapos sabay lapag ulit ng resignation letter at walk-out. Humingi ng tawad sa Diyos pagkatapos.
 
‘Yan ay mga iilan lamang sa mga paraan kung paano ka magreresign. Kung nakaisip ka pa ng iba, i-share mo sakin dito at baka mas effective yan. If after payagan ka naman pala matapos mo gawin ang lahat-lahat ng kalokohang binanggit ko dito, magpasalamat sa desisyon ng kumpanya at ipagpatuloy ang pagrerender ng nalalabi mong araw sa kanila. ‘Wag kang hangal at mag-AWOL. Tandaan, #bobomoves yung pag-AWOL. Tapusin ang nilagay mong petsa, maging masaya at positibo sa nalalapit mong araw ng kalayaan.
 
Congrats! You’re a free man!

 

5 Comments

  1. Anonymous

    June 4, 2017 at 9:22 pm

    Hello..hhahaha..nakarelate ako dito..salamat:-)

  2. bespren

    June 4, 2017 at 9:22 pm

    omg pasabaw nang pasabaw!!!!!!!!! gusto ko ung 50 copies!!!!!! hahahahahah

  3. Onang

    February 20, 2020 at 2:55 pm

    Hahaha…tawang tawa po ako habang nagbabasa…salamat😂😂😂

  4. kancer

    November 5, 2020 at 12:13 pm

    hahaha kapag ginawa ko yan sigurado termination ang aabotin ko, sa halip na maawa si boss nagalit tuloy, isipin mo iiyak ka saka kapag ayaw pumayag maglalaslas, mas mabuting direct mong sinabi na mag aartista ka nalang

    1. Lyza

      November 5, 2020 at 1:23 pm

      Actually haha! Kung sakali lang na manghingi siya sayo ng sample, at least napangunahan mo na. Hahaha #justforlaugh

Leave a Comment